CAGAYAN DE ORO CITY – Ihahain ni House committee on constitutional ammendments chairman Cagayan de Oro City 2nd District Rep Rufus Rodriguez ang panukalang batas na hindi na mag-oobliga sa practicing media na pipirma sa evidence inventory at tetestigo sa formal case trial sa korte.

Ito ay matapos dumulog ang mga opisyal ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Misamis Oriental at Cagayan de Oro Chapter upang resolbahin ang usapin kung saan ilan sa mga miyembro ay nako-contempt na sa korte dahil hindi madaluhan ang court hearings.

Inihayag ni Rodriguez nakikita rin nito ang perhisyo na dinaranas ng media practitioners na kailangan pang maglalaan ng oras magpakita sa korte para makaiwas lamang na ma-contempt ng batas.

Inamin ng mambabatas na hindi lamang ito pino-problema sa KBP members sa Northern Mindanao subalit ito ay katulad na suliranin rin sa ibang bahagi ng bansa.

Ito ang dahilan na ihahain ni Rodriguez ang panukalang batas na mag-amend sa ilang probisyon ng Republic Act 9165 (Dangerous Drugs Act of 2002) para tanging coverage na lamang ang gagawin ng media practitioners kung mayroong isagawa na anti-drugs operations ang mga otoridad.

Si Cagayan de Oro City 2nd District Rep Rufus Rodriguez

Magugunitang mismo lamang dito sa syudad,umaangal ang ilang KBP members nang contempt of court sila dahil sa bigo umaabot sa kanila ang subpuena mula sa korte.