CAGAYAN DE ORO CITY – Agad isasabak sa magiging talakayan ng Kamara ang dalawang congressional measures na inihain ni Deputy Speaker at Cagayan de Oro City 2nd District Rep Rufus Rodriguez sa pagbabalik ng kanilang sesyon sa Enero 19,2021.

Ito ay matapos inihain ni Rodriguez ang isang House Resolution 1453 na humingi patnugot mula gobyerno na pahintulutan ang pribadong mga kompanya katulad ng Bombo Radyo Philippines na makabili ng sariling mga bakuna para sa mga empleyado upang makatulong sa mass vaccination program ng bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Rodriguez na nasa higit P72 billion na pondo na nakalaan sa 2021 national budget para sa vaccination program ay hindi ito sapat para mabigyan ang nasa 70 hanggang 80 percent herd immunity level ng Department of Health.

Inihayag nito na nasa 30 hanggang 50 bahagdan lamang ng populasyon ang kaya ng pondo kaya nararapat rin na kikilos at bigyang otorisasyon ang pribadong mga kompanya na makabili ng mga bakuna para sa mga empleyado nito.

Si Deputy Speaker at Cagayan de Oro City 2nd District Rep Rufus Rodriguez

Una nang inihayag ng chairman ng Florete Group of Companies na si Dr Rogelio M. Florete na gagamit ito ng sariling pondo upang makabili ng mga bakuna para sa lahat ng regular employees nang maibsan ang pasanin na obligasyon ng gobyerno na tuloy-tuloy nakikipaglaban sa epekto ng pandemya dala ng bayrus sa bansa.