“Hindi ito ang magbibigay sa atin ng kaunlaran!” Ito ang ipinaliwanag ng Secretary General ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap na si Mimi Doringo alinsunod sa nakatakdang pagdating sa bansa ni US President Donald Trump mula Nobyembre 16 hanggang 18.

Nagbabala ang KADAMAY na imbes na magdala ng kaunlaran, magbibigay ng hirap sa mga mahihirap at mamamayang Pilipino ang inihandang paglalagdaan sa kasunduang Pax Silica.

Dahil dito, kaisa rin ang pangkat sa pagsisigaw at pagtutol sa pamamagitan ng protesta sa kalsada kasama ang iba’t ibang sektor ng lipunan.

Patuloy na hinimok ng grupo ang malawak na hanay ng taumbayan na makibahagi sa pagprotesta at pagtanggi sa pagpasok ng kontrobersyal na pinuno ng bansa.