CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi umano hayagang pagsalungat ng kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr ang pagmamatigas at pagtutol ng on-floating status Cagayan de Oro Water District (COWD) board of directors at general manager na kontrahin ang full takeover ng Local Water Utilities Administration (LWUA) sa pamamagitan ng appointed interim officials.
Ito ang unang pahayag na inilabas sa publiko ng pansamantalang COWD chairman of the board Nelia Lee hinggil sa LWUA takeover dahil sa kinaharap na mga suliranin ng water district na humantong pagputol ng tubig-suplay ng Metro Pacific Company sa syudad dahil hindi nakabayad noong Mayo 2024.
Sinabi ni Lee na tahasang nagkaroon ng abuse of authority ang LWUA kaya idinulog nila ang usaping sa korte at ibang venue upang makakuha ng katarungan sa kanilang sinapit.
Ginawa nito ang pahayag kaugnay sa nilagdaan na position paper ng Mindanao Association of Water Districts ng isang pagtitipon nitong syudad para ipaabot ang suporta sa COWD at makarating sa atensyon ng LWUA.
Magugunitang humingi ng temporary restraining order ang set aside COWD officials subalit ibinasura ng korte kaya kampante ang interim officials na nasa tama sila na katuyuan habang sinunod ang LWUA order na pag-uutos naman ni Marcos.