CAGAYAN DE ORO CITY-Nahaharap sa kasong swindling at estafa ang babaeng nangulimbat ng pera sa mga biktima gamit ang pangalan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa JR Borja nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si Hermolina Satorre, 56, na taga Poblacion Maigo Lanao del Norte.

Sinabi ni Cogon Police Station Commander Capt. Ernesto Sanchez, una nang nakakuha ng P69,000 ang suspek sa biktima ngunit ng muli itong humingi ng karagdagang limang libo ay ikinasa na ang entrapment operation.

Ayon kay Capt. Sanchez, nanghihingi ang suspek ng pera sa mga biktima nito para umano sa pagproseso sa napanalunang pera mula sa PCSO.