CAGAYAN DE ORO CITY -Nagbabala ang Environmental and Occupational Health Office sa panganib ng haze mula Indonesia na umabot na sa Northern Mindanao.

Ayon kay Dr. Andrea Nicole Sugapong, ang usok ay galing sa nasusunog na kagubatan sa Kalimantan na dala ng hanging habagat.

Maaari itong magdulot ng iritasyon sa mata, matinding ubo, at hirap sa paghinga.

Pinayuhan ang publiko na mag-ingat lalo na ang mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa puso at baga.

Nanawagan ang pamahalaan ng agarang proteksyon para sa vulnerable sectors.