CAGAYAN DE ORO CITY –Hindi lamang hanggang sa dokumento ang kautusan subalit kailangang ipadama ng Philippine government officials ang pagkalinga sa kondisyon ng overseas Filipino workers (OFWs) partikular sa mga nakabase sa bansang Kuwait.
Ito ang gustong mangyari ng ilang Filipino professionals para sa proteksyon ng mga Pinoy worker na peligro sa mga pag-abuso ng mga naging among banyaga habang nasa Gitnang Silangan.
Ginawa ng Pinay worker na si Chiarra Zaballero na taga- El Salvador City,Misamis Oriental na assisstant manager ng isang food chain ang pahayag kaugnay sa ipinapatupad na total deployment ban ng Pilipinas sa OFWs sa Kuwait.
Inihayag sa Bombo Radyo ni Zaballero na bagamat sang-ayon sila na ipatupad ang total deployment ban subalit tutol rin ito na idamay ang professional at skilled workers.
Dagdag ni Zaballero na ang personal at sorpresa na pagpapatawag ng Philippine officials sa OFWs para alamin kung sila ay naabuso ba ng kanilang mga amo ay isang epektibo na hakbang para maibswan ang mga posibleng abuso sa domestic helpers.
Reaksyon ito ng Pinay worker na nagmula Misamis Oriental dahil sa dalawang kaso ng mga pagpatay ng domestic helpers na sina Joanna Demafiles at Jeanalyn Villavende na kapwa pinatay ng mga amo nila habang naninilbihan sa magkaibang taon sa Kuwait.