CAGAYAN DE ORO CITY – Makukuha na ng 4ID,Philippine Army ang pagsibling ‘zero guerilla front committees’ ng Communist Party of the Philippines na hawak ang arm wing na New People’s Army sa loob ng kanilang area of responsibility ng Northern Mindanao at Caraga regions nitong taon.
Kaugnay ito sa binanggit ni 4ID commanding officer Major General Jose Maria Cuerpo na tanging kompirmasyon na lang ng kanilang unified command ng Armed Forces of the Philippines na tuluyan ng walang kapasidad at kakayahan ang nag-iisang mahina na CPP-NPA’s guerilla front committee 30 na kumikilos sa Surigao provinces.
Sinabi ni Cuerpo na simula nang inumpisahan ng AFP ang kanilang internal security operations sa nabanggit na mga rehiyon,walo na sa guerilla front committees ang kanilang napabagsak sa bahagi ng Mindanao.
Ito ang dahilan na hindi na tinigilan ng kanilang tropa ang pagpabagsak ng weakened guerilla front committee 30 na itinuring ng militar na huling ‘stronghold’ ng CPP-NPA dito sa rehiyon.
Magugunitang tagubilin ng commander-in-chief na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kung maari ay matapos na ng tuluyan ang kilusang armado na higit kalahating nakikipaglaban sa pamahalaan.