CAGAYAN DE ORO CITY – Hinigpitan at ni-rebyo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas maging ang kanilang cyber crime security protocols upang hindi mapasupakan ng anumang paniniktik para maiwasan na malagay sa panganib ang pangkalahatan na seguridad ng bansa.
Ito ang pagtitiyak ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala kasunod ng kanilang pagpalabas-utos sa lower units na paigtingin ang seguridad ng kanilang mga kampo at ibang kagamitan.
Kasunod ito ng iginiit ng gobyerno na napasok ng ilang mga espiya ang pinaka-iniingatan na bahagi ng seguridad ng bansa kaugnay sa nahuli na limang Chinese nationals kasama ang dalawang katuwang nito na mga Pinoy.
Sinabi ni Dema-ala na pangunahing layunin nito na hindi na maulit na malusutan ang government security protocols.
Iginiit ng opisyal na hindi na matagal na umanong natukoy ang nasabing suspected Chinese spy subalit minabuti ng intelligence community na makahanap ng ensaktong pagkakataon para ma-aresto kasama ang mga ebedensiya.
Tiniyak naman nito na hindi dapat mabahala ang publiko dahil nasa kontrol ng gobyerno ang kasalukuyang sitwasyon.