(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Pinaghahandaan ng Armed Forces of the Philippines kasama ang Philippine National Police ang inaasahan na paggalaw ng mga kaanib ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) laban sa pamahaalan ng Pilipinas.
Kaugnay ito sa pagkapaslang ng kanilang overall emir ng Islamic State-East Asia na pinuno rin sa Dawlah Islamiyah Philippines na si Faharudin Hadji Benito Satar alyas Abu Zacharia at ang financial officer nito na si Junaid Sandab alyas Abu Mursid sa ikinasa na pinag-isang operasyon ng militar at pulisya sa magkatabi na safehouses nila sa Barangay Bangon,Marawi City,Lanao del Sur noong Miyerkules ng madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni AFP Western Mindanao Command spokesperson Maj. Andrew Linao na bagamat malaking dagok para sa mga galamay ni Zacharia ang kanyang pagkawala subalit hindi isinantabi ang mga paghihigante.
Ito ang dahilan na itinaas nila ang alerto sa bansa lalo na sa mga malaking mga syudad sa Mindanao dahil hindi imposible na target ng mga terorista.
Bagamat,tatapusin ng militar ang natitira na mga kasamahan ni Zacharia sa Lanao del Sur subalit may koordinasyon rin sila sa ibang lugar para magkaroon ng isang defensive positioning laban sa posibleng retaliatory attacks.