CAGAYAN DE ORO CITY – Pinakalma at pinayuhan ng kilalang political anaylst Prof. Ramon Casiple ang government officials ng bansa na hindi muna maglalabas ng kung anu-anong mga komento laban sa kaalyadong Estados Unidos.
Ginawa ni Casiple ang pahayag alinsunod sa naipasa na batas ng Amerika kung saan kabilang rito ang pagbabawal umano makapasok ng ilang mga opisyal ng Duterte administration dahil naakusahan na bahagi sa gumigipit kay detained Senator Leila de Lima.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Casiple na kahit sino pang bansa ay mayroong karapatan na magpatupad ng travel ban sa ilang mga personalidad kung talaga na hindi nila gusto papasukin sa kanilanmg teritoryo.
Inihayag ni Casiple na kahit ang Pilipinas ay may kakayahan rin na isailalim ng travel ban ang mga opisyal ng Amerika kung gugustuhin nito na maghihigante sa ginawa ng ilang US senators na kontra sa anti-drugs war campaign ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag ng political analyst na mas makabubut na hindi muna magpalabas ng anumang hindi magandang pananalita ang gobyerno ng Pilipinas habang wala pa ang effectivity ng batas.