CAGAYAN DE ORO CITY – Tutol ang ilang kongresista na kusang magbitiw sa pagiging chairman ng Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee si House Speaker Alan Peter Cayetano.
Ito ay sa kabila ng kaliwa’t kanan na mga batikos na natanggap ng komitiba dahil sa ilang kakulangan na serbisyo para sa foriegn athletes na kabilang sa lumahok sa 30th South East Asian (SEA) Games na host country ang bansa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez na may kakayahan si Cayetano na pamamahalaan ang buong takbo ng SEA Games subalit pumalpak ito dahil sa kanyang ilang kasamahan sa komitiba na hindi sensiro sa mga trabaho na ipinagawa nito.
Sinabi ni Rodriguez na kailangang makahanap umano si Cayetano na totoong katuwang niya upang resolbahin ang mga kapalpakan na naglagay sa malaking kahihiyan ng Pilipinas sa international community.
Dagdag ng kongresista na hindi kailangang si Cayetano ang aalis dahil lalo lamang lumaki ang problema bagkus ang ilan lamang sa mga ka-trabaho nito ang papalitan upang makuha ang inaasaham na SEA Games ‘word class’ hosting ng bansa.