CAGAYAN DE ORO CITY – I-denepensa ni Phivolcs Director Renato Solidum ang umano’y kakulangan na abiso kaugnay sa kondisyon ng bulkang Taal sa Talisay,Batangas.
Ito ay matapos nagkagulatan ang maraming residente sa biglaan na pagsabog ng bulkan na nagresulta ng malawakang pagsilikas mula sa ibang mga probinsya patungo sa mas ligtas na lugar dahil sa dala na panganib.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Solidum na buwan pa lamang ng Marso hanggang Nobyembre 2019 ay hindi na nila nilubayan ang monitoring ng volcanic activities ng bulkan.
Inihayag ng opisyal na hindi na nila ikinabigla kung bakit sumabog ang bulkan dahil unang-una ay kailangan man ay natural movement ito ng kalikasan.
Dagdag ng opisyal na bagamat hindi umano masyadong nagdala ng panganib ang Taal kumpara sa ibang mga aktibong bulkan sa bansa.
Tiniyak rin ni Solidum na hindi na aabot pa sa ibang lugar katulad sa Visayas at Mindanao ang abo na ibinuga ng bulkan taliwas sa pangamba ng mga tao.