CAGAYAN DE ORO CITY-Sapilitang pinalabas ang mga estudyante, guro at staff ng Misamis Oriental General Comprehensive High School o MOGCHS matapos makatanggap ng bomb threat.

Pasado ala una ng hapon nitong araw, inabisuhan ang lahat ng nasa loob ng paaralan na lisanin ang lugar matapos makatanggap ng text message ang principal ng naturang paaralan na mayroon umanong bomba sa loob.

Agad namang dumating ang mga pulis at personahe ng Explosive Ordnance Division upang suriin ang lugar.

Pinakalma naman ni Police Executive Master Sergeant Rene Rabusa ang mga tao ng sabihin nito na nag negatibo sa sinasabing bomba ang paaralan.