CAGAYAN DE ORO CITY – Matapos ang limang araw na pagka confine sa ospital, namatay na ang 75 anyos na pinay migrant dahil sa COVID-19 sa Queens Village, New York City, Amerika, kahapon.

Ayon kay Bombo Radyo International Correspondent Dolly Ilogon, dating news director ng Bombo Radyo Cagayan de Oro na kinumpirma ng mga kaanak ng biktima mula Vancouver Canada ang pagkamatay ng kanilang pinsan at agaw buhat naman ang kanyang mister na isang Amerikano.

Nakuha ng biktima ang virus mula sa isang simbahan ng New York.

Sinabi rin i Ilogon na dating residente ng Balingasag Misamis Oriental ang pumanaw na pasyente.

Nakipag-ugnayan na ang pamilya ng biktima sa Philippine Consulate General sa Manhattan para sa kaniyang burial assistance.

At na-cremate na ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon, inilagay na ni New York Mayor Bill de Blasio sa lockdown ang buong syudad ng New York.

Tingog ni Bombo Radyo International Correspondent Dolly Ilogon