CAGAYAN DE ORO CITY – Pinawi ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ang pangamba ng mga residente sa nalalapit na piyesta-opisyal ng Patron Sr. San Agustine ngayong buwan ng Agosto, nitong lungsod .

Ayon kay COCPO spokesperson C/Insp Mardy Hortillosa na matibay ang kanilang koordinasyon sa Armed Forces of the Philippines kung seguridad ang pag-uusapan.

Sinabi ni Hortillosa sa Bombo Radyo na may malawak na intelligence sharing ang militar at Task Force Oro upang malabanan ang posibleng pag-atake ng mga bandido.

Sa ngayon, nananatiling nasa hightened alert ang buong lungsod dahil sa pangambang spillover sa Marawi Siege.

Dito sa lungsod, magsisimula ang fiesta celebration sa unang araw ng Agosto at magtatapos sa huling araw ng nasabing buwan.