“Nakasulat na sa playbook nila ‘yan”—ito ang matalim na akusasyon ng United People’s Initiative laban sa pagbaba ng bilang ng mga senador sa minorya, pagpapababa ng voting threshold, at ang pagsasampa ng kaso laban sa ilang senador.

Ipinahayag ni United People’s Initiative Secretary General Capt. Rey Valeros Jr. na sinadya ang panggigipit sa oposisyon upang pahinain ang paninindigan ng minorya at mabilis na maipasa ang impeachment laban sa Bise Presidente.

Dahil dito, ibinunyag ng lider na kabilang sa hakbang ng pamahalaan ang pagsailalim sa bansa sa Charter Change at ang pagpapakansela ng eleksyon upang maipatupad ang term extension.

Gayunpaman, nananatiling handa ang samahan sa pagharap at sa pagpapahayag ng katotohanan upang maprotektahan ang interes at batayang karapatan ng mamamayang Pilipino.