Malaki ang maitutulong sa seguridad ng bansa ng planong Naval base sa PHIVIDEC Industrial Estate sa Tagoloan, Misamis Oriental.

Ayon kay dating National Defense Secretary Norberto B. Gonzales, magbibigay ng mas matibay na proteksyon at mas mataas na kapasidad sa militar ng bansa ang naturang pasilidad.

Dagdag pa ni Gonzales, makatutulong ang proyekto upang mapangalagaan ang karagatan ng Hilagang Mindanao laban sa anumang banta mula sa labas.

Kaya naman, ipinalwanag ng dating kalihim na hindi dapat matakot ang publiko dahil malaki ang bentahe nito sa kaligtasan ng buong bansa.