CAGAYAN DE ORO CITY – Nalungkot bagamat ginalang ng Philippine Military Academy (PMA) ang paghain ng pamilya Dormitorio laban sa dalawang army officials sa piskalya sa Baguio City.

Ito ay matapos naghain ng kasong anti-hazing violation at anti-torture law ang pamilya laban kina resigned PMA Supt Lt Gen Ronnie Evangelista at Brig Gen Bartolome Bacarro.

Sinabi ni PMA spokesperson Capt Chery Tindog na alam nila na mayroong maayos na track record ang dalawa nila na opisyal subalit ipinabuaya nila sa batas ang magiging kapalaran ng mga ito.

Dagdag ni Tindog na hindi rin nila masisi ang pamilya ni late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa paghahanap nila ng hustisya lalo pa’t nasa isang demokrasya ang bansa.

Si PMA spokesperson Capt Cheryl Tindog

Kung maalala,nasampahan na rin ng kasong kriminal ang grupo ni PMA Cadet 1st Class Axl Ray Sanopao na itinurong nasa likod ng walang humpay na pagmaltrato hanggang tuluyang bumigay ang katawan ni Dormotirio noong Setyembre 2019.