CAGAYAN DE ORO CITY – Pagsisilbi ng political preview ng Marcos administration na maaring sasapitin ng mga Duterte ang eksena na pinapagawa nito sa kapolisan kung saan nilusob ang compound ng Kingdom of Jesus Christ upang arestuhin si Pastor Apollo Quiboloy.
Ito ang pananaw ng National Union of People’s Lawyers sa tila sobra-sobrang puwersa na inilapad ng Philippine National Police upang maiharap si Quiboloy na iniugnay ng ilang seryosong mga akusasyon.
Sinabi ni NUPL President Atty Ephraim Cortez na malinaw umano ito na mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na maaring ganito rin ang sapitin ng mga Duterte kapag tumitindi pa ang awayang-politika ng dalawang pamilya.
Inihayag ni Cortez na eskena ng pulisya at KOJC supporters ay posibleng mangyari muli kapag magkatotoo na maglalabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa isyu ng extra judicial killings noong nagdaang administrasyon.
Dagdag nito na kumpara sa nakaraang police operations,mas mahinahon ang tropa ng Police Regional Office 11 na pinaghahanap si Quiboloy hanggang ipinag-utos ng korte na patigilan sila dahil nalabag ang ilang nakasaad na mga batas.