CAGAYAN DE ORO CITY – Nawalan na ng interes pa ang pulisya na papaliwigan pa ang martial law sa Mindanao.
Ito ay kasunod sa nakatakdang pagtatapos nito sa Disyembre 31,2019 na epekto nang hiningi na extension noon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa mataas banta pa rin sa seguridad laban sa mga terorista.
Inihayag sa Bombo Radyo ni PNP officer-in-charge Lt Gen Archie Gamboa na napagsang-ayunan nila na wala na sila na isagawa pa na rekomendasyon kay Duterte na panibagong exention ng martial law sa Mindanao.
Una rito,mismo na si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tutol na magkaroon pa ng extension ang martial law sa Mindanao kaya nagsumite na ito ng rekomendasyon kay Duterte.
Magugunitang nag-ugat ang ilang beses na extension ng martial law dahil nagsagawa nang pang-aatake ang grupong Maute-ISIS sa Marawi City kung saan maraming buhay ang nasawi simula Mayo 23 hanggang Oktubre 23,2017.