CAGAYAN DE ORO CITY – Aatupagin rin dapat ng mga bumubuo ng International Criminal Court (ICC) ang masakit na sinapit na kamatayan ng maraming pulis at pagkasugat ng iilan kaysa sa isang aspeto lamang makatutok sa war on drugs policy ni Pangulong Rodrigo Duterte dito sa bansa.

Ito ang sariling reaksyon at pananaw ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Rolando Anduyan kaugay sa sinabi ng ICC findings na maari umano silang maniniwala sa kanilang ginawa na pag-uusisa na totoong mayroong malawakang pagkasawi ng mga buhay ng sibilyan dahil sa ipinatupad na patakaran ni Duterte para bawasan ang laganap na ilegal na droga sa bansa.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Anduyan na hindi makapag-pawala sa kanilang pokus na bigyang proteskyon ang sambayanan laban sa drug-related incidents dahil lamang sa ICC intervention sa internal affairs ng Pilipinas na matagal nang kumalas bilang miyembro ng grupo.

Inihayag ng heneral na hindi na sila nakarinig na nagbigay diin ang naturang grupo sa mga pulis na namatay o nasugatan habang ipinapatupad ang paglipol ng illegal drug distributions sa bansa.

Dagdag ni Anduyan na magta-trabaho sila hindi para sa isyu ng ICC subalit sa kapakanan ng sambayanang Filipino na pingakuan nila ng bigyan ng proteksyon upang makaiwas sa mga idinulot na masamang epekto ng ilegal na droga.

Si Police Regional Office 10 Director Brig Gen Rolando Anduyan

Magugunitang ang ang PNP-10 ng Northern Mindanao ay minsan na ring nangunguna sa listahan ng Camp Crame na mayroong mataas na bilang ng accomplistments sa anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.