CAGAYAN DE ORO CITY-Arestado ang isang police official matapos umanong mag-amok sa isang restobar sa Upper Carmen nitong lungsod.

Kinilala ang suspek na si PCapt. Calvin Nario Jr, 35, na residente ng Rosewood Butuan City Agusan del Norte.

Ayon sa isang empleyado ng REGATTA BLVD o Jakkos Grill na si alyas Kakards, umiinon ang pulis kasama ng iba pang mga kalalakihan, at bigla na lamang umanong hinila ang buhok ng kanyang kasama at sinuntok, naglabas din umano ng baril ang pulis.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbesigahan ng Carmen Police Station ang naturang insidente.