CAGAYAN DE ORO CITY – Pinatutukan ng PNP-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ng kanilang Regional at Provincial Mobile Force Company ang seguridad ng buong bayan ng Bayang,Lanao del Sur.

Partikular na pinasisiguro ni PNP-BARMM regional director Brig Gen Samuel Rodriguez ang pagbigay karagdagang seguridad sa Bayang Municipal Police Station na nilusob ng armadong kalalakihan at pinapaputan ng hindi matukoy na mga baril.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Deliro na sinaluduhan nito ang kanyang anim na pulis na hindi nawalan ng pokus bagamat tinapatan ang malakas na puwersa ng hindi kilalang mga personalidad na umatake sa kanilang himpilan sa nasabing bayan.

Inihayag ni Derilo na bagamat walang sugatan sa kanilang mga tauhan nang nakipag-palitan ng mga putok kontra sa mga armadong grupo.

Sinabi ng opisyal na maaring nais maghihigante ng mga ito dahil sa sunod-sunod na mga pag-aresto nila ng pag-aresto ng suspected robbery suspects noong nakaraang linggo.

Si Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Rex Deliro

Napaatras naman ang mga salarin nang dumating ang reinforcement ng 55th IB,Philippine Army at ibang tropa ng gobyerno sa lugar.