(Update) CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi inalis ng pulisya na maaring mayroong kaugnayan ng politika o kaya’y negosyo kung bakit pinagbabaril-patay ng malapitan ang anak ni mayoralty candidate Cagayan de Oro 1st District Rep Rolando ‘Klarex’ Uy na si incumbent Carmen Brgy Kagawad Roland Sherwin’ Tawee’ Uy sa mismong family run quarry business nila sa Sitio Camarahan,Brgy Pagatpat,Cagayan de Oro City.

Ito ang binanggit sa Bombo Radyo ni Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar kaugnay sa nagpapatuloy na pag-iimbestiga ng Cagayan de Oro City Police Office sa nangyari sa anak ng kongresista.

Sa panayam kay Olaivar,tanging ipinag-utos umano ni PRO 10 regional director Brig Gen Rolando Anduyan na kasalukuyang nasa Maynila na imbestigahang maigi ang kremin upang matukoy ang mga totoong nasa likod ng kremin.

Inihayag ng opisyal na maging sila ay kino-kondena rin ang malagim na pangyayari kung saan nagtamo ng anim na tama ng bala sa pinaniwalaang kalibre 45 nga baril ang ulo maging katawan ni biktima.

Una rito,pinatay rin ng umano’y motorcycle in tandem suspects ang 67 anyos na caretaker ng biktima na si Samuel Talaban bago tuluyang tumakas.

Ma-suwerte namang nakaligitas ang personal driver ni Kag Tawee na si Rubie Alayuay dahil nasa loob ng comfort room ng mangyari ang pamamaril sa mga biktima kahapon ng tanghali.

Sa kasalukuyan,wala pang opisyal na inilabas na pahayag ang pamilya Uy ukol sa pangyayari habang bumuhos ang pagpaabot simpatiya mula sa kanilang mga kaibigan,political supporters at kasamahan sa negosyo.

Si Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Michelle Olaivar

Si Tawee ay panganay ng mga anak ng mag-asawag Uy kung saan kinabilangan ni incumbent City Vice Mayor Rainer Joaquin ‘Kikang’ Uy at walang hilig ng politika na si Buding na humahawak ng malalaki nilang mga negosyo.