Napasimangot ang pangkat ng Bagong Alyansang Makabayan matapos maobserbahan na puno pa rin ng pork barrel at infrastructure budget ang inilabas na pondo para sa susunod na taon.

Batay sa pahayag ng miyembro ng grupo na si Rauf Sissay, tila malinaw na dinagdagan ang pondo para sa ayuda at mga kalsada upang magamit ng mga politiko sa pagtitipon ng pondo para sa darating na eleksyon.

Binigyang-diin din nito na imbes na ilagay sa mga ospital at mga silid-aralan, pinaboran ang mga proyektong kadalasang nagiging substandard at pinagmumulan ng anomalya.

Dahil sa naturang sitwasyon, nanawagan ang grupo sa publiko na manatiling kritikal at bantayan ang bawat pisong ginagastos ng pamahalaan.