Pinag-usapan na ni Mayor Rolando “Klarex” Uy ang hiling ng mga kapitan para sa pag-release ng limang porsyento ng Barangay Disaster Risk Reduction and Management Fund para sa 80 barangay sa Cagayan de Oro.
Ipinaliwanag ni City Information Officer Jade Adeser na tiningnan ng lokal na pamahalaan ang pag-download sa naturang pondo diretso sa bawat barangay upang bigyan ng karapatan at pagkakataon ang mga kapitan na makapagdesisyon alinsunod sa pangangailangan ng kanilang mga residente.
Sinabi ni Adeser na nagkasundo na ang lokal na pamahalaan na magkakaiba ang kabukiran at sentrong barangay, kaya mas angkop na ang pamunuan mismo ng mga barangay ang manguna sa paglalaan ng pondo.
Dahil dito, pinanindigan ng lungsod na ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga kapitan ang pinakamabilis na solusyon sa pagtugon sa krisis sa bawat komunidad.











