Binatikos ng samahang Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang paggamit sa mga ayuda at pondo sa kalusugan bilang kasangkapan sa pamumulitika at paggawa ng utang na loob sa mga mahihirap.
Ipinaliwanag ni Mimi Doringo, Secretary General ng Kadamay, na binabagtas lamang ng mga politiko ang ₱136 bilyong pondo sa ayuda upang magpalimos pa ang mga pasyente ng pabor sa pintuan ng mga kongresista.
Dahil dito, isinusulong ng grupo na tuldukan na ang naturang uri ng sistema at idirekta na lamang ang pondo sa Department of Health at Department of Education upang mapaunlad ang mga pampublikong ospital at paaralan sa buong bansa.











