Hindi natatakot ang mga abusadong opisyal dahil walang tala sa bangko ang bilyon-bilyong cash na nakatago sa mga maleta—ito ang ipinahayag ng legal expert na si Atty. Dale Mordeno sa gitna ng pagharap ng AMLC sa Impeachment Court.

Ipinaliwanag ng abogado na kahit humarap at magpatotoo ang Anti-Money Laundering Council sa Impeachment Court, hindi pa rin matutunton ang perang hindi dumaan sa bangko.

Nilinaw ng legal expert na ang pondo sa mga maleta ay hindi maiubos sa ilang henerasyon at mahirap patunayan ng AMLC dahil sa kawalan ng paper trail.

Idinagdag pa niya na ito ang dahilan kung bakit nagpapatuloy ang lakas ng loob ng mga tiwaling opisyal na magtago ng ilegal na yaman na malayo sa pagsubaybay ng pamahalaan.