CAGAYAN DE ORO CITY-Itinuro ni Pope Francis si Bishop Jose Cabantan para pamunuan ang Metropolitan Archdiocese of Cagayan de Oro bilang kapalit sa magreretirong si Archbishop Antonio Ledesma.

Si Cabantan ay ipinanganak sa Lagonglong, Misamis Oriental at kasalukuyang nagsilbing obispo sa Diocese of Malaybalay City, Bukidnon.

Aminado ang arsobispo na isang malaking hamon ang pagtalaga sa kanya sa bagong posisyon.

Aniya, pagpupursigihan niya na ilapit ang simbahan sa bawat pamilyang Pilipino lalo na nitong may kinakaharap na pandemya hindi lamang sa bansa kundi maging sa buong mundo.