Isinusulong ng Professional Regulatory Board of Criminology ang ganap na pagpapatupad ng Magna Carta of Women upang matiyak ang pagkakapantay-pantay at labanan ang diskriminasyon sa pagre-recruit ng kababaihan sa mga ahensya ng gobyerno.
Ayon kay Board Member Dr. Lani Palmones, dapat bigyan ng patas na proseso at oportunidad ang lahat ng aplikante mula sa unang hakbang hanggang sa huling interview nang walang pinipili.
Nilinaw ng opisyal na panahon na upang itaas ang kasalukuyang limang hanggang sampung porsyento na quota ng kababaihan sa public safety agencies dahil sa dami ng mga babaeng pumapasa sa licensure examination.
Dagdag pa ni Palmones, ang tamang pagpapatupad ng Republic Act 9710 ay magbubukas ng mas malaking espasyo para sa mga kwalipikadong kababaihan na makapaglingkod sa bansa.











