Ibinigay na ng lokal na pamahalaan ang discretion sa mga paaralan, pampubliko man o pribado, kung magpapatupad ba ito ng pagpapatigil ng klase batay sa dalawang araw na ulat ng panahon mula kagahapon hanggang ngayong araw kung saan inaasahang tataas sa 41 hanggang 42 degrees Celsius ang heat index na nasa delikadong lebel na.
Ipinahayag ni City Disaster Risk Reduction and Management Department Head Nick Jabagat na may sariling pamamaraan ang bawat paaralan sa pag-aangkop ng kanilang learning system laban sa epekto ng init.
Dahil dito, ipinaalala sa mga tagapamahala ng paaralan na manatiling alerto para sa kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante.
Gayunpaman, nananatiling handa ang tanggapan na magbigay ng karagdagang paalala at suporta upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa buong lungsod.











