Ipinahayag ni DDS Sara All Confederation Legal Counsel Atty. Raymond Batu na may posibilidad na bumaba pa ang bilang ng mga senador na makababoto sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Nilinaw ng abogado na makikita ang paraan ng pagpapababa sa threshold sa pamamagitan ng mga isinagawang aksyon laban sa ilang opisyal tulad nina Senador Alan Peter Cayetano at Loren Legarda upang mas mabilis na makuha ang kinakailangang boto.

Subalit binigyang-diin ni Batu na hanggang ngayon ay isang panig pa lamang ng kuwento ang narinig sa pampublikong pagdinig habang hindi pa nakapagpapakita ang panig ng depensa.

Dagdag pa ng opisyal, nananatiling patas ang takbo ng kaso dahil mayroon ding mga matitibay na saksi at sariling financial analyst ang depensa upang sagutin ang lahat ng akusasyon.