CAGAYAN DE CITY – Nagbabala ang NGCP na posibleng maranasan ang sunod-sunod na rotational brownout sa Mindanao matapos ibaba sa red alert status ang linya ng kuryente dahil sa kakulangan ng supply.
Ipinaliwanag ni NGCP Regional Corporate Communications Officer Mae Curiano na ipinatupad ang pasidaan mula alas-dose ng tanghali hanggang alas-nuebe ng gabi dahil sa pagtaas ng konsumo ng kuryente.
Napilitan ang ahensya na magpatupad ng manual load dropping matapos ang higit 20 planta ng kuryente ay napahinto at pito pa ang nabawasan ng produksiyon.
Hinimok ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente. Patuloy na pinagsisikapan ng mga awtoridad na maibalik sa tamang antas ang suplay sa buong isla











