CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ni administration Sen Christopher “Bong” Go na madaliin ng senado ang pag-aproba sa kaniyang panukalang postponement nang SK at Barangay Election mula May 2020 to October 2022.
Ayon kay Sen Go, tatalakayin ng Senate committee on electoral reforms sa susunod na linggo ang kaniyang inihaing proposed resolution para dito.
Aniya, nararapat na mapabilis ang pag-aproba dito upang hindi malagay sa alanganin ang preparasyon ng Comelevc lalong-lalo na sa nagpapatuloy na voters registration.
Dagdag pa ng senador na dapat lamang ma-postpone ang SK at barangay elections upang mabigyan nang sapat na panahon ang mga elected barangay officials sa pag-implementar ng mga proyekto na makakabuti sa kanilang lugar.