CAGAYAN DE ORO CITY – Mismo si Police Regional Office Director Brigadier General Ricardo Layug Jr ang nagbigay-katiyakan na walang kahit isa man lang pasilidad ng Philippine Offshore Gaming Operators na makikita sa alinman na bahagi ng Northern Mindanao.

Pagtitiyak ito ng heneral kahit hindi pa rin humupa ang usap-usapan na POGO operations na nakabase sa isang high-end subdivision sa Barangay Cugman,Cagayan de Oro City.

Sinabi ni Layug na bagamat matagal na ang usaping POGO presence umano ng syudad subalit hanggang ngayon ay wala namang solido na patunay upang aktuwal na bibisitahin ng government authorties.

Nag-ugat ang usapin dahil hindi pa tuluyang na-resolba ang usaping POGO kahit ipinag-utos na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang tuluyang pagpapasara sa lahat ng operasyon epektibo nitong taon.

Magugunitang huling nalagay ang sa usapin ang suspected POGO presence ng syudad noong tumama ang matinding epekto ng COVID-19 kung saan ilan umano sa Chinese nationals ay nahawaan.