CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Kalunus-lunos ang naging kahinatnan ng apat na motorista sa nangyaring banggaan mula sa tatlong lugar ng Northern Mindanao, sa loob ng 24 oras na monitoring ng Police Regional Office 10.
Naitala ang unang aksidente mula El Salvador City, Misamis Oriental, kung saan patay ang isang 19-anyos na motorista at kritikal ang menor de edad niyang backride matapos mabangga ng kanilang motor ang motor ni Romelyn Claudel Tomarong, 29-anyos, sa El Salvador City.
Mabilis ang pagtakbo ng batang rider at dead on the spot ang dalawa dahil sa malalalim na sugat at pagkabasag ng ulo.
Ang ikalawang insidente naman ay naganap sa Barangay Bauk-bauk, Balingoan, Misamis Oriental kung saan binangga ng isang tricab ang motorsiklo ni Romel Ligsanan, 33-anyos, residente ng taga Upper Lapinig, sa nasabing lugar.
Nagtamo ng malubhang sugat sa katawan si Ligsanan at namatay matapos mabagsak ang ulo sa sementadong kalsada.
Samantala ang ikatlong disgrasya ay nangyari sa National Highway, ng Purok 5, Barangay Tablon, Cagayan de Oro City, kagabie kung saan nasasi ang iyang motorista matapos bumangga sa likod ng isang malaking truck.
Nakainom umano ang biktima at patay na nang dalhin sa ospital, habang nakakulong pa rin ang driver ng truck.