CAGAYAN DE ORO CITY – Diretsahan na inamin ni Police Regional Office 10 Director Brig Gen Rolando Anduyan na nagkaroon nang security lapses dahilan na muntikang mapatay ang isang opisyal ng Bureau of Customs kahit nasa loob ng kanyang bahay sa Barangay Bugo,Cagayan de Oro City noong nakaraang Pebrero 2021.
Ito ay matapos nagpakita ng sobrang kursunada ang motorcycle in tandem suspects para likidahin si BoC Deputy Collector for Assessment Arthur Sevilla Jr subalit nagtamo lamang ng ilang tama ng kalibrer 45 ang tiyan at paa.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Anduyan na mismo siya ang nakasunod sa estorya ni Sevilla kaya binigyan niya ito ng mahigpit na seguridad dahil sa sobrang seryoso ang banta ng buhay na natanggap nito.
Inihayag ni Anduyan na dahil sa umano’y security lapses at maging pagluluwag seguridad na rin ni Sevilla sa pag-aakala na wala na ang death threats ay tuluyan itong ipinapa-atake ng hindi muna binanggit na mga personalidad na nasa likod ng kremin.
Tiniyak ng heneral na bibigyang kalutasan ang kaso ni Sevilla upang matigil na ang sunod-sunod na pang-aatake sa mga taga- Customs dahil sa kanilang sensitibo na mga trabaho.
Kinompirma ng PNP na mayroong kaugnayan sa trabaho ni Sevilla bilang assessor ng Mindanao Container Terminal ng Tagoloan,Misamis Oriental kung bakit ito gustong ipapatay.