Nilinaw ni Prosecution Panel Spokesperson at dating Representative Robert Ace Barbers na hindi binago ng mga senador ang 2/3 na alituntunin ng Konstitusyon sa kanilang pagbasura sa 16-vote threshold sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte noong nakaraang Miyerkules.

Ipinaliwanag ni Barbers sa kanyang eksklusibong panayam sa Bombo Radyo na nananatili pa rin ang 2/3 na probisyon ng batas, ngunit ibinatay na ito sa 20 nakikibahaging senador imbes sa buong 24 na miyembro ng Senado.

Nabatid na nangyari ang naturang pagbabago matapos inalis sa bilang ang 4 na senador na may kaso at ang iba na hindi nakadalo sa impeachment court.

Dahil sa desisyong ito, 14 na lamang na boto ang kinakailangan upang ma-kombikto ang Bise Presidente mula sa unang ipinataw na 16 na boto. Sa kabilang banda, kinakailangan na lamang din ng 7 boto ng kampo ng respondent upang tuluyang maabsuwelto ang Bise Presidente