Si Vice President Sara Duterte lamang ang makapagpapaliwanag kung bakit umabot sa 4.4 bilyong piso ang natatalang financial transactions sa mga account nito at ng kanyang asawang si Atty. Manases Carpio na hindi nakasaad sa opisyal na SALN.
Ipinahayag ni House prosecution panel spokesperson Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang naturang barstuhan matapos ayusin ni Presiding Officer Senator Chiz Escudero ang datos mula sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) at SALN declarations mula noong taong 2007 hanggang 2025.
Isinalaysay ng opisyal na bagama’t nilinaw ng AMLC na binubuo ng mga pondong pumasok at lumabas sa mga account ang natatalang halaga, kinakailangan pa rin ng pormal na paliwanag sa malaking pagkakaiba nito kumpara sa idineklarang net worth.
Dahil sa mga rekord na inilatag ng Bangko at ng Komite, nananatili ang panawagan ng prosekusyon na sagutin ng Bise Presidente ang mga tanong ukol sa mga account, deklarasyon, at personal na negosyo.








