Magsasagawa ng serye ng mga kilos-protesta sa buong bansa ang grupong Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) laban sa pagbisita ni US President Donald Trump ngayong Nobyembre 16 at sa inihahandang paglagda sa kontrobersyal na Pax Silica.

Ibinunyag ni Rauf Sissay, kinatawan ng BAYAN, na isang pormal na paglilingkod at pagpasa ng teritoryo at natural resources ng bansa sa mga dayuhang korporasyon ang naturang kasunduan.

Ipinaliwanag ng grupo na magdadala ito ng dislokasyon at paglikas ng mga indigenous people at magsasaka sa Luzon.

Dahil dito, inihayag ng tanggapan na lalabanan nila sa pamamagitan ng malawak na pagkilos ang pagpasok ng pamahalaan ng Estados Unidos sa ASEAN Summit.