Isinulong ng League of Filipino Students ang pagbasura sa proyektong Pax Silica na pinangunahan ng Estados Unidos at sinasabing planong itayo sa malawak na lupain sa New Clark City sa Tarlac.
Sa pakikipag-usap sa Bombo Radyo, ibinunyag ni League of Filipino Students National Vice Chairperson Summer Libelle Espiritu na makasisira sa kabuhayan ng mga Pilipino ang naturang kasunduan na naglalayong magtayo ng economic at semiconductor industrial hub.
Ipinaliwanag ni Espiritu na hindi lamang lupain ng mga magsasaka at katutubo ang makukuha sa naturang proyekto kundi kabilang na rin ang malaking suplay ng tubig, enerhiya, at kritikal na mineral ng bansa na gagamitin para sa interes ng Amerika.
Sa gitna ng nalalapit na pagdating ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa ASEAN Summit, nanawagan ang grupo sa kabataan at sa publiko na magkaisa sa pagharang sa Pax Silica at sa lahat ng kasunduang sinasabing aabuso sa likas na yaman ng Pilipinas.











