CAGAYAN DE ORO CITY – Pinag-iingat ng Securities and Exchange Commission (SEC)-Northern Mindanao ang publiko sa bagong investment scheme na nagsimula nang mangalap ng mga kapitalista sa buong rehiyon.
Sa ipinalabas na advisory ng SEC, nagbabala ang ahensiya na mag-ingat sa pag-invest sa Yellowdot Transport Terminal Inc. kung saan may konseptong “You Avail, We Manage, You Earn.”
Sa nasabing scheme, ino-obliga ang miyembro na magbayad nang initial payment na P250,000 at monthly amortization na P30,000 upang makakuha siya nang sariling public utility vehicle o “millennial jeepney.”
Napansin din ng ahensiya na nag-alok ng mataas na profits o returns ang nasabing investment scheme sa halagang P55,000 hanggang P85,000 kada buwan.
Dahil dito, nagbabala ang SEC na kailangan maging listo sa mga uri ng investment method.