Gawa-gawa lamang at walang batayan ang ipinagmamalaki ng gobyerno na 10 bilyon hanggang 70 bilyong dolyar na puhunan mula sa Pax Silica dahil walang malinaw na framework agreement na iprinisinta.
Ibinunyag ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa na walang dayuhang negosyante ang susugal sa pagbuhos ng kapital kung walang malinaw na pamantayan sa buwis, insentibo, at paraan ng pagnenegosyo.
Sinabi ni Africa na ipinakita ng kasaysayan mula pa noong 1974 na kahit sa bilyon-bilyong dolyar na operasyon ng mga dayuhang kompanya ng semiconductor sa bansa, nanatiling walang sariling industriya ng semiconductor ang Pilipinas.
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng 1,600 ektaryang lupain na libre sa upa sa loob ng 2 taon, sinilaw lamang ng administrasyon ang publiko sa mga maling numero upang ipagkaloob ang sariling lupa at soberanya sa interes ng Estados Unidos.











