CAGAYAN DE ORO CITY – Kinompirma ng Department of Health (DoH-10) officials ang pagkasawi ng isang person under investigation (PUI) na naka-confine sa isa sa mga pagamutan na nakabase sa lalawigan ng Misamis Occidental.
Ito ay matapos unang ipinasok sa pagamutan ang nabanggit na pasyente nang pinaghihinalaan na mayroong sintoma na dumapo sa katawan nito kaya humingi ng medikasyon sa local health experts sa lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni DoH regional director Dr Adriano Suba-an na unang nagkaroon ng severe acute respiratory illness (SARI) na nagbigay komplikasyon sa pangangatawan ng biktima.
Inihayag ni Suba-an na hinihintay nila ang confirmatory testing mula sa Research Institute of Tropical Medicine (RITM) kung talagang positibo at ang suspected symptoms ng Coronavirus Disease (COVID-19) ang dahilan pagpanaw ng pasyente.
Magugunitang ang Misamis Occidental ay mayroong apat na naka-confine sa pagamutan at ibang 20 na naka-house quarantine bilang person under investigation at 627 persons under monitoring simula nang mapasok ang Pilipinas ng bayrus.