(Update) CAGAYAN DE ORO CITY-Nagkasagupa ang puwersa ng militar kasama ang pulisya laban sa nasa 200 kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Barangay Tikalaan,Talakag,Bukidnon.
Ito ay dahil sinikap ng government forces na mailigtas si PO3 Jerome Natividad na dinukot ng mga rebelde nang maharang sa inilunsad nila na road blockade sa Barangay Diminorog sa nasabing bayan kaninang madaling araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Talakag Police Station commander Sr Insp Edwin Ipan papunta sana sa PNP-10 Headquarters mula Kadingilan Police Station upang sasailalim ng medical check-up nang mahuli at madis-armahan ng mga rebelde.
Sinabi ni Ipan na hindi pa nakapagbigay ng karagdagang impormasyon ang kanilang tropa simula nang magkapalitan ng mga putok ang dalawang panig.
Kinompirma rin nito na hinuli subalit pinakawalan ng mga rebelde ang dating intelligence officer na si Jaime Olita ng tuluyan nang nakalayo sa lugar ang mga armado.
Una nang pinatay ng mga rebelde ang tinukoy na miyembro ng bandido na si Lito Atoy nang pinasok nila sa loob ng bahay kaninang umaga.
Sinunog rin ng mga rebelde ang tig-isang dumptruck,backhoe,mixer,generator set at pison na pagmay-ari ng Mindanao Rock Construction Company na nagta-trabaho ng kalsada sa lugar.
Napag-alaman na kabilang sa tinangay ng NPA ang tatlong shotguns;carbine at .45 caliber habang tumakas na nakasakay ng dalawang dump trucks at mga motorisklo.