CAGAYAN DE ORO CITY – Patay na naman ang isang miyembro ng pulisya habang ma-suwerte na nakaligtas ang sibilyan nang umatake na ang natitira na mga kasapi ng terorirstang Maute-ISIS sa bayan ng Marantao,Lanao del Sur.

Ito ay matapos binaril-patay ng isang naka-special mission umano na terorista si Cpl Joel Apduhan,31 anyos na naka-detail sa PNP-Maritime na nakabantay sa Lake Lanao na nakabase sa Marawi City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam na galing ang sina Apduhan at Sajidi Shagit sa isang tailoring shop nang pag-uwi nila ay biglang sinabayan nang pinaghinalaang terorista.

Inihayag ni Mukaraam na agad namatay ang pulis dahil sa tama ng le-eg habang si Sajidi ay nakaligtas nang pumalya ang ginamit ng 9mm pistol na ginamit ng suspek.

Si Lanao del Sur Provincial Police Office Director Col Madzghani Mukaraam

Pangalawa na si Apduhan na binaril-patay suspected Maute-ISIS member kung saan ang una ay si Alikman Sangcopan ng Marawi City noong nakaraang buwan.