CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasusumite pa rin ng Commission on Elections o Comelec ng Statement of Contributions and Expenses (SOCE) ang namatay na kandidato pagka-bise alkalde ng Cagayan de Oro.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Comelec-10 Regional Director Atty Jay Balisado na nakasaad sa batas na dapat magsumite ng kanilang SOCE ang lahat na mga tumakbong pulitiko kahit na yung namatay ilang araw bago ang halalan.

Napag-alaman na pumanaw ang political kingpin ng Cagayan de Oro na si Vicente “Dongkoy” Emano na tumatakbong bise-alkalde ng lungsod isang araw bago ang eleksyon dahil sa karamdaman.

Paliwanag ni Balisado na mahalagang makapag-sumite ng kanilang ginastos sa kampaniya ang lahat ng mga kandidato patay man o buhay, panalo man o natalo para hindi madiskwalipika sa kanilang tinakbuhang posisyon at wala sila pananagutan sa batas.