CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinaliwanag ng PDP Laban na posibleng ginamit ang arrest warrant upang ipahiya si VP Sara Duterte.

Nilinaw ng kanyang mga abogado na kusang-loob siyang humarap sa korte at nagsumite ng larawan at fingerprints.

Hindi na siya kinailangang posasan o kuhanan ng mugshot.

Nakapagpiyansa siya ng ₱360,000 sa Quezon City RTC.

Dahil dito, binawi ng korte ang warrant laban sa kanya. Nanawagan ang kampo ni Duterte na ipagtanggol ang demokrasya at tamang proseso.