CAGAYAN DE ORO CITY – Patay nang barilin ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo ang dating department head ng city government na nagsilbi rin na radio political blocktimer ni former City Mayor Vicente ‘Dongkoy’ Emano sa mismong bakuran ng bahay nito sa Sitio Macanhan, Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Federico ‘Ding’ Gempesaw,may asawa,retiradong head of o office ng City Economic Enterprise Department (CEED) ng lungsod habang kasalukuyang anchor-blocktimer ng prograng Bitayan ng Kahanginan ng Radyo Natin FM.
Sinabi ni Carmen Police Station commander Maj Mario Mantala Jr na habang bumaba umano nang minaneho na taxi ang biktima sa labas ng kanyang bahay ay agad sumugod ang motorcycle in tandem suspect at pinagbabaril ito gamit ang kalibre 45 na armas dahilan na tamaan sa ulo na nagresulta ng pagkasawi nito.
Inihayag ni Mantala na nagsagawa pa sila ng imbestigasyon kung bakit pinatay ang biktima lalo pa’t wala naman itong mga hayagang mga nakabangga sa pagiging anchor-blocktimer.
Si Gempesaw ay matagal na naging empleyado ng city hall at nagsilbi rin na ka-tandem ng radio blocktime program ni late Atty Canscio Guibone sa kasagsagan ng political peak ng Emano administration sa dekada 90 sa lungsod.